Showing posts with label St. Lukes Hospital. Show all posts
Showing posts with label St. Lukes Hospital. Show all posts

Monday, July 20, 2009

BELO (part2)




Pinabayaan ko na hindi pantay ang aking pwet, taong 2006 sinarado ko na ang aking promotion kasi nagkaroon ng higpitan para sa mga entertainers na pupunta ng Japan. Madami mashadong hinihingi na para maging entertainer sa Japan. Dapat graudate ng four year course sa college o di naman kaya dalawang taong working experience as entertainer sa ibang bansa maliban sa Japan. E shempre kadalasan na nag-Jajapan mga undergraduate kaya sinarado ko na lang ang promotion ko at nag venture ako sa construction.

Nag tanong tanong ako kay papa san kung paano ba ang construction business since isa sa mga madaming negosho ni papa san ay construction at developer. Nakakilala din ako ng isang lalaki na taliwas sa ugali ni papa san at ng sumunod kong boy friend. Naging mabuti ang aming pagsasama at sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na pag-mamahal. Konry na kung korny pero todo ang pag suporta niya sakin at ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya ako. Nag pakasal kami at shempre nagka dalawang anak.

Nagkaroon ng bagong meaning ang buhay ko. Kung dati trabaho bahay lang ako at ako lang mag-isa ngayon may pamilya nako na mahal na mahal ko. Nag focus ako sa construction business na kung saan partner ko ang aking mister at sa pigiging mabuting nanay sa dalawa kong anak at sa mabuting asawa. Ayun ang naging buhay ko at naging masaya ako.

Hindi ko na naiisip mashado ang butt augmentation ko na hindi pantay kasi nga sobrang happy ako sa buhay ko pero nung late 2008 napansin ko na nag sag o lumubog ang pwet ko. Hindi ko naman sumakit o namula basta alam ko lumubog sha kaya hindi ko na lang pinansin ulit kasi ang akala ko since tumatanda nako hindi na kasing elastic ang balat ko gaya nung dati.

Patuloy pa din ako sa mga ginagawa ko bilang negoshante, nanay at asawa pero nung May 10, 2009 nagising ako ng alas kwatro ng umaga dahil sa sobrang sakit ng katawan ko, naalala ko hindi ako makabangon sa sakit ang akala ko nun eh may trankaso lang ako. Buong araw lang ako nagpahinga sa kama ang kilos lang na nagagawa ko ay upo at higa kasi nga masakit ang katawan ko. Kinabukasan naman nun bale May 11 nagkaroon ako ng fever. Nung bandang hapon pag ihi ko napansin ko na namumula ang kaliwang pisngi ng pwet ko, nung tinignan ko naman ung kabila, hindi naman namumula.

Nung May 12 pag gising ko namamaga na sha at masakit na. Itinawag ko agad sa St. Luke’s hospital mga alas diyes ng umaga tapos nirefer kay Doktor Valeryo pero nasa amerika sha nung mga panahon na iyon kaya refferr ako sa assistant niya pero hindi nalaman ng assistant niya ang problema ko pinasa naman ako kay Doktor Lo na duktor din sa St. Lukes. Nung pumunta nako para magpacheck sa kanya, tinignan niya at hinawakan ang namumula at namamagang behind ko at naramdaman niya na maiinit ginawan niya ako agad ng referral diretcho na agad kami sa admission ng St.Luke’s.

Alas sinko ng hapon ng May 12, 2009 naka admit nako sa st. Luke’s at tinurukan nako ng mga anti biotic, ini-schedule na din nila ako ng operations kinabukasan.
Shempre kinabahan na ako nun ng mga panahon na iyun. Hindi ko inaakala na dahil sa but augmentation na ginawa sakin noon pang 2002 at 2005. Inoperahan ako at binuksan ang kaliwa at kanang pisngi ng pwet para tangalin ang hydrogel na noon ay sinabi ni Doktora Vicky Belo ay “safe”. Kahit na ang kaliwang pisngi ko lang ang namamaga, binuksan na din nila yung kanan kasi nagsisimula na din daw mamula, inagapan na bago pa ito lumala.

Nadischarge ako sa St.Lukes ng May 18 at akala ko eh ok na ako nun. Patuloy ulit ako sa mga normal na activities ko pero continous pa din ang pagpapacheck up ko kasi sumasakit pa din shantung May 31 nag collapse pa ako sa sobrang sakit,open kasi ung wound ko nun, hindi sha tinahi kasi nga hindi pa natatangal lahat ng gel. Hindi nila alam kung saan area pa yung may gel kasi daw kalat sha at may mga tissue na nasira, hindi nila alam kung hangang saan yung damage. Kinabukasan bale June 1 nagcollapse ulit ako tapos sinugod nila ako sa emergency room ng St. Luke’s.

The same day inoperahan nila ulit ako, since open yung butas ko nung sa una kong operation gumawa ulit sila ng pangalawang butas tapos nagkabit sila ng parang drainage para ung fluid na andun hindi maipon at lumabas sha.

3 days lang ako naconfine nun tapos nagpumilit talaga ako madischarge kasi shempre unexpected ung pagkaka-confine ko nun, hindi napaghandaan ang iniisip ko nun eh yung gastos. Hindi kami financially prepared, nung oras na yun ung pera eh naka-invest sa negosho tapos meron kaming mga anak.

Nung june 3 lumabas nako sa ospital pero nung kinabukasan (June 4) pumunta ako kay Doc Lo para sa cleaning ng sugat. Schedule ako ni Doc Lo bumalik para magpa-cleaning nung June 6, pero nung nakita niya ako nung June 6, hindi na niya ako cleaning kasi nakita niya na sobrang pale ko na, sabi nga nila parang patay na daw ang kulay ko kaya pinaadmit na ulit niya ako sa St. Lukes.

Schedule nila ako for major operation ng June 11, 2009 para tangalin na lahat ng hydrogel pati ung mga damage.

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw nay un. June 11 2009 Inoprahan ako ng alas kwatro ng hapon at tumagal yun ng limang oras. Nung matapos ang operasyon, dinala nila ako sa recovery room, naalala ko na kahit naka-morphine na ako ay nagsisisigaw ako kasi nararamdaman ko pa din ang sakit! Naging wlang silbi sa akin ang morphine ng mga oras na yun. May lumapit sakin na nurse ng mga oras na yun kahit gorgy ako sa morphine natatalo ito ng sakit na nararamdaman ko, nilagay ng nurse sa kamay ko yung parang remote control na may isang boton lang at sinabi na pindutin ko lang daw yun kapag nararamdaman ko yung sakin.

Later on narealize ko na pag pinipindot ko ung switch, nagrerelease pa ng morphine sa katawan ko pero sobrang daming beses na ang pagpindot ko pero hindi ito nakatulong. Mga alas dos o alas tres ng medaling araw inakyat nila ako sa kwarto ko, talagang nagmakaawa ako sa na dalhin na nila ako sa kwarto ko kasi wala dun ang asawa ko at hindi ako komportable sa recovery room.

Nagtutulog lang ako nung June 12. Magigising ako ng konti dahil nararamdaman ko yung sakit so pipindotin ko na naman ung switch para mag release ng dose ng morphine para makatulog ulit ako. Ganun lang ang ginawa ko buong June 12. Alam ko na nasatabi ko lang lagi ang asawa ko nun at binabantayan ako kaya kahit papaano ay panatag naman ang loob ko.

Nung June 13 alas sinko ng umaga nagising ako na madami nang nakakabit sa akin. Tinanong ko ang sawa ko kung bakit madaming nakakabit sakin? Sabi niya ok lang yan para daw hindi ko na maramdaman ng sakit kaya may mga nakakabit sa akin. Yun pala ang BP ko naglalaro sa 70/40 at 60/50. Kaya pala madami ng nakakabit sa akin nun kung baga yung heart beat ko mabagal at irregular na.

Yun yung pinaka worst day ko kasi yung araw din na yun yung muntik nako mamatay kasi buong araw ng June 13, 2009 hindi tumangap ng kahit na anong gamot ang katawan ko. Isang araw ako nakipag laro ng habulan kay kamatayan.

May nakasaksak sa akin na nagpapabilis ng heart rate pero meron din nakasaksak sakin na pampabal din kasi nga erratic ang heart rate ko. Halo halong sakit ang nararamdaman ko, ung ulo ko parang ang laki laki at ang ibagat-bigat tapos ang init ng pakiramdam ko mula sa ulo hangang sa katawan pero ung paa ko nanlalamig naman. Pag sinasaksakan din ako ng gamot para sa puso sobrang lakas at bilis ng pag tibok ng puso ko. Tapos nakakaramdam din ako ng sakit sa buong katawan maliban pa ang sakit ng sugat sa operasyon.

Pag inaadminsiter ako ng gamot kahit konti lang isusuka ko din agad, sobrang halo halo ang hirap at sakit na nararamdaman ko. Nung mga oras nay un akala ko mamatay nako. Bumagsak na din ang protein,magnesium at mga vitamin level ko ,hindi din tinatangap ng katawan ko kahit magsaksak ng vitamins man lang. Nung time na yun kumalat na pala yung infection sa katawan ko, bumagsak na din ang resistensha ko at hindi na kinakaya yung infection hangang sa gagkaroon pa ng iba pang komplikasyon, nagkaroon ng tubig ang baga ko.

Sobrang nag-woworry mga doctors kasi wala ako panlaban eh, bagsak ang resistensha ko tapos may kung ano ano pang komplikasyon dahil sa pagkalat ng infection. Dun ko na-experience yung heart rate biglang aakyat ng 180 tapos 190, at one point sinabi ko sa asawa ko “hon di ko na kaya patangal mo na lahat ng nakabit sakin” . Yun na lang nasabi ko sa asawa ko kasi sobrang hirap at pagod na ang nararamdaman ko ng mga panahon na yon. Nagagalit asawa ko at sinabi sakin na “hon lumaban ka,lahat dito ginagawa ang lahat para sayo tapos ikaw ayaw mo tulungan sarili mo, isipin mo mga anak mo”

Nung mga oras na yun sumagip sa isip ko ang mga anak ko. Nag dasal ako sa Dyos ng mga oras na yun. Nakipag usap talaga ako sa Dyos, sabi ko Lord, ang maliliit pa mga anak ko, mga bata pa sila para mawalan sila ng Nanay. Ayaw ko magaya sila sa akin na nawalan ng magulang nung bata pa lang. Wag po muna Dyos ko. tulungan niyo po sana ako, hinihingi ko ang buhay ko hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko po, wag muna, wag ngayon.

Nag request ako na unti unting tangalin ang mga nakasaksak sa akin, sinimulan ko sa morphine. Pinaalis ko sha kasi ang sakin ng mga oras na yun mabasan naman ung mga nakasaksak sa akin. Tapos unti unti ko nang pinabawasan. Yung mga gamot naman para sa pag regulate ng heart beat ko sabi ko dahan dahanin iadminister kasi hindi ko kinakaya kapag bumibilis ang tibok ng puso ko. Kaya inaabot ng 30mins ang pag administer sakin nun. Nagpabago na din ako ng line para sa mga nakasaksak sakin.
Sa mga anak ko ako kumuha ng lakas para lumaban. Habang nagdadsal ako parati ko sinasabi na ayaw ko danasin ng mga anak ko yung walang magulang, yung pag may masakit sayo wala ka masabihan. Hindi ko gustong mangyari sa mga anak ko yun. Nakatulog habang nagdadasal at pag gising ko nag nakarecover na pala ako. Milagro na nakabawi ako sa mala impyernong pinagdaanan ko noong June 13.

Nagpatuloy ang pag papagaling ko sa St. Lukes hangang sa makalabas ako ng ospital nito lang July 20. Sa ngayon hindi pa ako fully recovered, umiinon pa din ako ng pain killer kapag sumasakit ang sugat ko pero nakakalakad naman ako. Sabi ng Doktor eh sa ngayon hindi pa lahat ng hydrogel at natangal kasi ung iba nakadikit sa gitna ng mga fibers sa muscle at hindi sha mahigop ng vaccum. Ang takot at worry ko eh paano sa pag tanda ko? Paano pagmababa na resistensha ko baka maging infection na naman ung mga natitirang hydrogel na nakadikit sa fibers ng muscles? Ayaw ko na danasin ang nangyari sakin ng June 11 at June 13.

Sa ngayon patuloy ako sa paglaban ko sa pag hingi ng hustisha sa nangyari sa akin! Ilang beses din pala kami humingi ng tulong sa Belo Medical Group pero binale wala lang nila kami. Nung mga oras na nag aagaw buhay ako sa ospital, ano kaya ang ginagawa ng mga duktor na nag butt augmentation sakin? Ano kaya ang ginagawa ni Vicky Belo ng mga panahon na yun? Niloko nila ako! Higi’t pa sa pera, yung tiwala na ibinigay ko sa kanila na binale wala lang nila at niloko nila ako…dahil dun muntik na ako mamatay! Dahil sa panloloko nil ana sinabi nilang safe ang procedure eh ka-muntikang mabyudo ang asawa ko at mawalan ng nanay ang mga anak ko.

Kung meron man ako natutunan sa experience ko ay dapat maging masaya na lang sa kung anong binigay sayo ng Diyos at kung magpapaayos man sana hindi nagtiwala agad. Meron naman mga magagaling at totoong duktor na tapat at eksperto talaga pag dating sa pagpapaganda at hindi sa isang nagpapangap lamang na magaling at ginagamit ang pera at koneksyon para sumikat.

Pero hindi pa dito nagtatapos ang laban ko. Hindi ako matatahimik hanga’t hindi ko nakukuha ang hustisya sa mga pinag daanan ko at ng aking pamilya. Belo, hindi ako natatakot sayo!