Tuesday, July 21, 2009

BELO (Part1)

Nung nagahiwalay na kami ni Papa san, talaga nahirapan din ako makarecover, kasi nga sha ang kauna unahang lalaki sa buhay ko. Kahit na malayo ang agwat ng edad namin ay na-pamahal na sha sa akin. Nag focus na lang ako sa pag-papalago ng negosho ko, wala naman ako choice eh kundi pag butihin na lang trabaho. Dun ko ibinihos ang oras ko para hindi ko mashado maisip si papa san pero paminsan minsan ay nagkakausap pa din kami pero strictly business na lang.

Ayaw ko pa din sha pumunta ng pilipinas hanga’t hindi pa ako nakaka move on. 10 years din kami nagsama ni papa san kaya nahirapan talaga ako makalimutan sha. Nahirapan pero eventually naka-move na din. Ganun naman talaga yun diba? Time heals all wounds ika nga.

Pumayag na din ako na bumisita si papa san sa pilipinas at makipag kita sakin after 1 year, pero magkaibigan na lang ang turingan namin sa isa’t isa. Napatawad ko na sha at mas naging close na din kami kasi nasasabi ko na sa kanya ang mga saloobin ko ngayon. Hindi na niya ako hawak sa leeg tulad ng dati

Nagkaroon din ako ng boyfriend, kaibigan ko sha nung umpisa parati niya ako sinasamahan mag-dinner at dinadalaw dalaw niya ako sa work kaya nasanay nako sa kanya at nahulog na ang loob ko sa kanya. Sa simula naging maayos naman ang pagsasama namin ng boyfriend ko pero napapansin ko madalas nawawala sha ng dalawang araw tapos bigla na lang susulpot, tapos aalis ulit. Nung umpisa pinabayaan ko lang kasi nga busy din naman ako sa pag mamanage ng negosho pero nung nag imbestiga ako nalaman ko na may asawa pala siya, at hindi lang nagtatapus doon! May mga babae pa sha at madaming na-anakan! Sabi ko sa sarili ko, ano ba naman itong napasakun kong gulo? Eto na naman!


Shempre, tao lang ako at nagpaka gaga sa pag-ibig. Kahit nalaman ko na nga ang sitwasyon niya eh tinangap ko pa din sha. Tanga na kung tanga pero may mga ka-gagahan tayo na ginagawa sa buhay natin paminsan minsan at lahat tayo ay may kanya kanyang madilim na sikreto kasi hindi tayo perpekto, lahat tyo nagkakamali din.
So patuloy pa din ang sistema ng boyfriend ko nun, mawawala sha ng ilang araw tapos babalik din sakin pagkatapos, since ako ang may kaya, minsan ako sumusuporta sa mga anak niya, pero ang mokong wala pa din tigil sa pambababae habang ako naman ay nagkakanda kuba na sa pagtratrabaho.

Naging magulo ang din ang relasyon namin, parati kami nag away at parati ko sha sinisisi. Isang gabi pag kauwi ko galing ng promotion may na-basa ako ng isang ad sa magazine. This was year 2002, nakakita ako sa magazine ng ad ni Rosana Roces para kay Belo ng butt augmentation. Maganda naman at sadyang seksi ang pwet ni Osang kaya maenganyo ako.
Shempre paminsan pag nanonood din ako ng TV ung mga artista ang bungad ng bibig parating “thank you to Dr. Vicky Belo for my face and body” ganyan ganyan so shempre naisip ko nun na mga artista ang inaalagaan niya kaya mapagkakatiwalaan sha. Naisip ko din na kesa sa boyfriend ko gastusin ang pera ko bakit hindi ko naman ienjoy ang pera na pinag hirapan ko at gastusan ko naman ang sarili ko.

Para sa akin ng mga oras na yun, may pera naman ako, hindi ko naman uutangin ang pagpapaayos at para sakin naman yun bakit hindi di ba? So early 2002 tumawag ako sa Belo at nagpaset up ng appointment kay Duktora Vicky Belo, sabi ng receptionist may bayad daw ang consutation kay Vicky Belo pero pag natuloy ang procedure ma-wawaive na ang fee. Eh since afford ko naman kaya sige lang, nagpaset up ako kay Vicky Belo.
Pag punta ko ng clinic ni Belo, nag antay ako saglit tapos tinawag nako para ma meet mismo si Duktora Vicky Belo, tinanong ko nga sa kanya kung magkano mag pa but augmentation at pinababa ni Belo ang pantaloon ko tinignan ang aking pwet. Hindi nako magging detailed pa sa nangyari kasi nag sampa nako ng kaso sa kanya sa korte pero ang masasabi ko lang, pinaikot ikot niya ako. Ipinangako niya sakin na safe ang gagamitin niyang pampadagdag sa pwet at ok daw ang hydrogel sa katawan. Hindi daw ako mapapasama at saglit lang daw ang procedure, after one hour pwede na daw ako maka uwi.

Shempre na-bilog na niya ako at ako naman eh paniwalang paniwala sa kanya. Sino ba naman mag aakalang lolokohin ako ng isang kilalang duktor sa pag papaganda. Since sobrang busy ako sa aking negosho, nagpaschedule ako magpa butt augmentation ng December, itinaon ko ng bakasyon at walang pasok para maka-fully recover ako kasi sabi ni Belo mejo unconmfortable sha for 2 weeks.

Nung pumunta ako sa clinic niya sa Morato para magpagawa, nagpalit nako ng gown, may pina fill out sa akin na mga papel, isa sa mga tanong doon ay kung sino daw ang preferred kong doctor na gagawa ng operations sakin shempre since si Belo lang naman ang kilala ko, at sa kanya naman ako nagpaconsult nung umpisa kaya pangalan niya ang nilagay ko dun. May mga questions din na kung ilang sukat or CC ang nirerequest kong hydrogel na idadagdag sa akin, eh since wala naman akong alam sa ganyan kasi nga si Belo naman ang kausap ko nun at sha nakakaalam nun nung nagpa-consult ako sa kanya kaya hindi ko na nilagyan yun. Nagulat na lang ako na iba ang doctor na pumaspok at mag gagawa sa akin. Si Doktor Cayetano pala at hindi si Belo.

Wala na ako nagawa nung mga oras nay un, naka ready nako for operation kaya itinuloy na namin ang procedure. After ng opration at nakarecover ako, umuwi ako at napansin ko na mejo hindi pantay ang pagkakagawa sa akin, sinabi naman sa akin na bago pa lang at hindi pa talaga makikita ung full results kasi may tahi pa daw at after two weeks pag tangal ng tahi, saka makikita ang full results.

After 2 weeks nung tinangal na ang tahi ko, napansin ko na hindi talaga pantay ang pagkakagawa sa akin, sinabi naman nila na bago pa daw at mag antay pa ng isang buwan para mag heal talaga at pag hindi pa din pantay ay pumunta na lang daw ako ulit.
Makalipas ang isang buwan pumunta ako sa clinic ni Belo at sinabi sakin na pwede daw nasa body contoure ko yun na hindi talaga pantay ang pwet ko kaya hindi nagpantay nung nilagyan ng hydrogel. Parehas naman daw 100 cc ang nilagay sa magkabilang pisngi ng pwet ko. Eh ako since wala naman ako katibayan na hindi parehas ang sukat na nilagay sa akin eh baka nga hindi talaga pantay ang pwet ko nung umpisa pa lang. Sabi pa nila, tignan ko daw ung ibang tao daw eh hindi din pantay ang binti, ganun ung mga explanation nila sa akin.

Since wala naman ako talagang katibayan na pantay talaga ang pwet ko bago ako magpa butt augmentation sa kanila eh naniwala naman ako. Hinayaan ko na lang muna iyon at naging busy ako sa negosho nun, nag break na din kami ng boyfriend ko nung babaero at patuloy pa din na nagpupunta ako ng belo para mag pa facial at body scrub.
Pero shempre, hindi talaga ako happy sa naging resulta ng pag papa butt augmentation ko. Hindi naman flat ang pwet ko dati, kasi ng dancer ako, so tone ang body ko nun. Kaya ako nag-pa butt augmentation kasi para ma-highlight at mas lalong mag mukang seksi ako pero imbes na magkaroon ako ng confidence, kabaliktaran pa ang nangyari so nung 2005, nagpaschedule ulit ako para magpaayos.

Ang gusto ko eh ung isang pisngi lang ang dagdagan para magpantay sha. So nag-pa consulta ako sa duktor na gumagawa ng butt augmentation (si Dicanchong ang duktor ng time na yun). Sinabi ko sa kanya na hindi pantay ang aking pwet at kung ano ang gagawin natin. Suggest niya na dagdagan natin. Suggest ko ka kung pwede ung sa kaliwang pisngi eh 30cc lang ang dagdagan tapos ung sa kabila eh 50 cc. Ang iniisip ko kasi baka mamaya pag hindi ko pinadagdagan ung kaliwa eh baka ung kanan naman eh baka hindi na naman magpantay ulit.

So yun yung alam ko, na 80cc ng hydrogel ang ilalagay sa akin. 50 cc sa kanan tapos 30 cc sa kaliwa. Ayun ung pinag usapan namin, nag bayad nako tapos nag submit na ulit ako ng laboratory results tapos ginawa na ung procedure.

Nung magising ako pagkatapos ng procedure uwi ako ng bahay, sinunod ko ulit ang mga bilin na nakadapa ako pag matutulog at nag antay ulit ako after 2 weeks para alisin ang tahi. Napansin ko ulit na hindi pa din pantay, at nireklamo ko naman agad ito sinabihan ulit ako na mag antay ulit after a month.

Pagkalipas ang isang buwan, hindi pa din sha pantay. Lumaki lang sila pareho pero mas malaki pa din yung kaliwang pisngi kesa sa kanan kaya itinawag koulit ito sa Belo at nireklamo ko Kay Dicanchong nga na hindi pantay. Ang sabi naman niya sakin ay imposibleng hindi daw magpantay kasi parehong volume ang nilagay ko, parehong tig 80cc ang nilagay sa magkabilang pisngi ng pwet. Kaya pala ang lalaki ng pwet ko at hindi pa din sha pantay kasi parehong 80cc ang naka dagdag sa magkabilang pisngi ng pwet ko!

Hindi din nasunod ang gusto ko na simula pa lang sinabi ko na gusto ko magpantay at ako mismo nag suggest na mas madaming idagdag sa kanang pisngi ng pwetan ko para maayos. Hindi ko naman pwedeng mareklamo yun habang nasa procedure ako kasi nga tulog ako nun at naka anesthesia.

Naiinis ako dahil palpak na naman ang pagkakagawa sa akin. Lumaki lang at bumigat lang ang pwet ko at napansin ko na nagkakastretch marks ako, shempre ba naman nung una 100cc dinagdag tapos 80 na naman so talagang lalaki at bibigat sha.
Wala na ko nagawa nun, kasi kanino ako magpapaayos? Magpapa procedure na naman ako sa kanila eh palpak na nga nung umpisa, palpak ulit ung pangalawa wala na ako tiwala sa kanila. Isa pa gagastos na naman ako magpaayos nanaman ako baka mamaya eh ganun pa din ang resulta so pinabayaan ko na lang.




2 comments:

Anonymous said...

what happened to the doctor who performed the operation on you?

Kali said...

The lawyers should go after Belo and all the doctors who put you through this, Josie! They might to it to other people.

Di ba that Decangchon doctor is still practising? Ang kapal niya!