Wednesday, July 22, 2009

JAPAN

Hindi ko makakalimutan ang unang beses na Makita ko ang Japan, ang ganda ganda at shempre, aanga anga pa ko nun kasi nga first timer. Lahat kami sa grupo ko ay puro first timer sa Japan kaya nangangapa pa kami nun. Pag dating sa airport, hinatid kami sa aming tirahan at dun naming unang nakilala si Papa san, ang aming employer na may ari ng bar na pag pe-performan namin.

Hirap kami kami makipag usap kay papa san nun kasi wala nga samin marunong mag nihongo eh hindi naman nakakaintindi at nakakapagsalita si papa san ng English, buti na lang ung isa sa amin may dala dalang Nihongo-English dictionary kaya kahit papano nagkakaintindihan kami.

Sa Japan ko naranasan ang magutom dahil wala sa amin nakakaalam mag on ng lutuan kasi nga hi-tech na mga gamit dun at japanses pa ang instructions, nakakatawa nga at kelangan pa namin antayin si papa san dumating sa aming tirahan para tulungan niya kami makapag luto.

Nag trabaho ako ng todo todo sa Japan. Sa bawa’t performance ko, binibigay ko lahat para matuwa sakin ang mga hapon at mag bigay sila ng mga tip. Pumapasok kami sa bar ng ala sinco ng hapon tapos magrerehearse kami ng sayaw namin ng isang oras tapos magbubukas na kami ng ala sais, tuloy tuloy nay un hangang alas dos ng madaling araw. Kailangan din maayos ka sa pakikitungo mo sa mga guest, pag inalok ka ng pagkain, kain lang, pag binigyan ka ng beer, inom lang! kahit hindi ka umiinom, matututo ka uminom sa Japan. Kelangan parati mapasaya mo ang mga customer para maenganyo sila magbigay ng tip, noong araw kasi, ang sweldo ko nun ay USD300 per month tapos USD350 naman sa manager ko kaya malaking bagay ang mga nakukuha namin na tip.

Pagkatapos naman ng trabaho, o di kaya pag day off namin, niyayaya namin si papa san na ipasyal kami para naman makalibot kami ng Osaka. Since ako ang pinaka makulit at bibo, ako lang ang may lakas ng loob mag sabi kay papa san na ipashal kami.
Natutuwa sakin si papa san dahil ako lang ang nakakagawa noon sa kanya at minsan naman tinuturuan ko sha magtagalog. Naging magkaibigan kami ni papa san to the point na nasasabi ko sa kanya mga pangarap ko sa buhay at mga plano ko. Isang araw, tinawag ako ni papa san at inabutan ako ng sobre. Pag bukas ko ng sobre at ng binasa ko ang mga papel, nagulat ako na malaman ko na ito ay titolo ng bahay at lupa sa isang village sa quezon city na nakapangalan sa akin! Binigay ito ni papa san sakin at sinabi niya na wag ko daw sasabihin sa mga kagrupo ko at baka mag selos sila at pag chissmisan pa nila ako. Sinabi din ni papa san na tagapin ko na ang bahay at lupa pero ang kapalit nito ay magiging kami na.

Nung una shempre natakot ako, 18 pa lang ako nun at wala pa ko experience sa mga boyfriend boyfriend, isa pa si papa san eh malayo ang agwat ng edad sa akin. Mix emotions talaga ako nun, alam ko na hindi ko naman mahal si papa san nung mga panahon na yun pero eto na, hawak ko na ang titolo ng bahay at lupa na nakapangalan sakin. Ang matagal ko nang pinapangarap eh nasaakin na.

Sa huli nanaig pa din ang pangarap ko at kagustuhan ko na iahon ang sarili ko sa kahirapan. Pumayag ako sa kagustuhan ni papa san at tinangap ko ang bahay at lupa. Itinago ko ito sa mga kagrupo ko at nung matapos ang kontrata namin, bumalik kami sa pilipinas pero sinabi sakin ni papa san na dumertso daw ako sa bahay na ibinigay niya sakin at antayin ko sha doon. Laking tuwa ko nung Makita ko ang regalo sakin ni papa san na bahay sa isang magandang village sa Quezon City. Malakipas ang ilang araw ay dumating na si papa san at nagsama kami sa aming bahay. Noong umpisa ay aaminin ko na hindi ko mahal si papa san pero natutunan ko na din shang mahalin.
Nakailang balik pa ko sa Osaka, sa bar ni papa san, at binigyan pa ko ni papa san ng iba pang mga properties sa Manila. Ang ate ko na nagpasok sakin kina Tita ay binigyan din ni papa san ng tirahan na maayos. Kahit na hindi maayos ang pagtrato sakin ng Ate ko nay un eh ate ko pa din sha. Ka-dugo ko pa din sha at kahit papano ay nagpapasalamat na din ako sa kanya kasi ipinasok niya ako kay tita na naging mabuti sa akin at todo ang pag suporta sa mga pangarap ko.

Habang tumatagal ay unti unting nahuhulog na ang aking loob kay papa san. Sa huli ay nabisto na kami ng aking mga kagrupo at tuluyan na akong tumiwalag. Umuwi ako ng pilipinas at sinabi ni papa san sakin na bantayan ko nalang daw ang isa pa niyang negosho dito sa pilipinas. Papunta punta sha dito sa pilipinas at minsan naman eh ako ang pumupuntang japan. Nag bukas kami ng sarili naming promotion at ako ang nag manage nun. Sa umpisa ako ang naglalakad para matutunan ko ang pasikot sikot sa pagpunta sa DFA, POEA at Japanese Embassy. Inalam ko lahat at nag mistulang liason officer/manager ako. Naging maayos ang negosho at hindi lang sa bar ni papa san ako nag papadala ng mga talents kundi sa iba’t ibang bars sa japan.

Nakita ni papa san na may potential ako sa pag nenegosho at inalokan niya na magtapos ako ng college para makakuha ako ng degree sa business management. Pumayag ako pero sabi ko dito lang ako sa pilipinas mag aaral pero gusto niya na sa japan ako mag college, wala nako nagawa at lumipad ulit ako patungong Osaka para mag aral sa isang University. Nahirapan ako ng umpisa kas shempre, kahit na marunog nako mag salita ng nihongo, nahirapan naman ako sa pag susulat ng kanjie.

Shempre tuloy pa din ang negosho ko na promotion sa pilipinas at nagsusupervise din ako sa bar ni papa san. Mga panahon na yun sobrang busy ako sa pag aaral, pag monitor ng promotion sa pilipinas tapos biglang nakakaramdam ako ng kakaibang kilos kay papa san. Nakakatunog ako na may ibang babae si papa san. May minsan na habang tinitignan ko ang mga bills eh may napansin ako ng electric bill na hindi pamilyar ang address. Nag dududa na ako ng mga panahon na iyon pero wala pa ko ginagawa.
Isang araw hindi ako makapag pigil, pinuntahan ko ang address na nasa electric bill at nacompirma na nga ang aking hinala. Sa address na yun, nakita ko sha at ang babaeng kinakasama niya. Sobrang sakit ng aking naramdaman, ganun pala yun pero kahit sukdulang langit ang sakit at galit na nararamdaman ko, hindi ko sinugod ang kanyang babae dahil ang totoo nyan, isa lamang din akong kabit ni papa san. Oo, may asawa si papa san.
Nung kinumprota ko si papa san nagalit sha sakin at napag buhatan niya ako ng kamay. Wala daw ako karapatan dahil babae lang din daw niya ako. Ang maranig ko yun nang lambot ako sa sakit ng kanyang mga sinabi. Pag dating kasi kay papa san naging parang sunod sunudan ako, lahat ng gusto niya yun ang aking ginagawa kapalit ng mga properties at negosho na ibingay sa akin pero mahal ko na sha! Mahal na mahal ko na sha kaya sobrang sakit na malaman ko na may iba pa sha maliban sa akin at ng ipamuka niya sa akin na babae lang niya ako.

Dali dali akong nag empake at bumalik sa pilipinas, hindi ako nakapag paalam sa university na mag d-drop ako basta ang sakin, nasaktan nako ni papa san, ayaw ko na. Sumunod si papa san sa pilipinas at pinilit niya ako na bumalik ng japan para tapusin ang pag aaral ko. Sayang naman daw dahil ilang buwan na lang ay mag graduate nako at humihingi sha ng tawad. Hindi na daw niya gagawin yun at bigyan ko daw sha ng isa pang pagkakataon.

Since mahal ko nga si papa san pinatawad ko sha at sumama bumalik sa japan para tapusin ang aking college degree. Dalawang lingo din ako nawala sa school kaya naghabol talaga ako sa mga school work. Nung makagraduate nako, pinabalik ako ni papa san sa pilipinas para tutukan ko na ng maigi ang negosho kong promotion. Tulad ng dati, papunta punta sha ng pilipinas pero hindi na kasing tagal gaya noon.
One time, naalala ko pumunta sha ng pilipinas at nagstay sa bahay namin ng tatlong araw, after three days sabi niya babalik na daw sha ng japan. Nung kinabukasan nag long distance ako para tawagan ko ang office niya sa japan walang sumasagot.

Tinawagan ko ung secretary niya nagulat sha dahil wala pa daw sa Japan, di pa daw bumabalik. Kinutuban na naman ako. Tinawagan ko ang Thai airways dahil parating thai airways ang sinasakyan niyang airlines papunta ng pilipinas,sinabi ko ang pangalan ni papa san at tinanong ko kung may ganoong passenger na umalis patungong japan pero wala daw. Hindi pa ako natahimik, tinawagan ko ang mga hotels sa manila at nagdrama ako kunwari dapat magkikita kami ni papa san sa isang lugar pero nagkasalisi kami at tinanong ko kung naka-check in na sa hotel nila.

Shempre, na-binggo ko kung nasang hotel naka-check in si papa san. Dali dali ako nagdrive at pinuntahan ko ang hotel. Pag dating ko sa loob ng hotel ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi takot kundi galit at sakit ang nararamdaman ko. Tinanong ko ang receptionist kung anong room number nakacheck in si papa san at pinatawagan ko sa kanya. Babae ang sumagot at hinanap ko si papa san, nung makausap ko si papa san, sinabi ko sa kanya “akala ko ba uuwi ka na ng Japan?” sabay bagsak ng telepono. Nagpumilit akong akyatin ang room ni papa san pinipigilan ako ng receptionist pero wala din nagawa. Sinamahan na lang nila ako sa room at pinuntahan namin ang kwarto ni papa san. Pag bukas ng pinto ay nakita ko ang kanyang babae. Kahit gaano pa ang galit ko sa babae, hindi ko sha sinugod at minura, wala nang dahilan pa para gawin iyon. Pumunta ako sa kwartong iyon para kausapin si papa san.

Isa lang ang sinabi ko kay papa san ng mga panahon na iyon. Sabi ko sa kanya ayaw ko na, ibabalik ko na lahat ng binigay mo sa akin, ang mga properties pati na ang negosho na lahat naka pangalan sa akin, ibabalik ko na lahat lahat basta wag na niya akong guguluhin. Pipirmahan ko kung ano mang kasunduan na ibinabalik ko na lahat sa kanya at walang matitira sakin basta wag na sha magpakita sakin. Galing ako sa hirap kaya hindi ako takot at alamko na kayak o ulit magsimula ng bago, lalo na ngayon na may hawak akong diploma.

Umalis ako ng hotel na yun at habang nagddrive ako ay nanginginig pa din ako. Umuwi ako at makalipas ang ilang sandal ay dumating naman si papa san. Kinausap niya ako na hindi na nirerespeto niya na ayaw ko na pero hindi niya babawiin ang mga binigay niya sakin pero sa condisyon na dapat open pa din ang communications namin pero hindi sha babalik ng pilipinas hanga’t hindi pa ko handa Makita sha.

Mahirap dawn a hindi kami mag usap kasi nga may negosho ako na promotion at nag papadala ako ng mga talent sa kanya, may transaction kami kaya kelangan namin mag usap. Pumayag na ako sa hiling nya.

Ayan ang storya ko kung pano sa pagiging katulong, naging mayaman ako.


3 comments:

Anonymous said...

parang telenovela nakaka-addik hahaha

Anonymous said...

parang telenovela nakaka-addik hahaha

Anonymous said...

dapatgawing pelikula!