Bunso ako sa limang magkakapatid. Nung namatay ang parents ko dahil sa asksidente noong five years old pa lang ako, from Samar, niluwas ako ng tiyahin ko papuntang Maynila para tumira sa mga kamag anak na pinag-pasa pasahan ako hangang sa dinala nila ako sa Ate sa Laguna hangang sa makagraduate ako ng elementary.
Lumipat ako sa Cubao, at tumira sa isa ko pang ate para makapag aral ako ng highschool sa isang public school malapit sa kanila. Hindi naging maayos ang pagsasama naming ng ate ko noong mga panahon na nakikitira ako sa kanila ng asawa niyal, hindi ko na ikukwento ng detalye ang naging buhay ko sa kanila at baka maiyak lang ako sa pag alala ng mga panahon na yun.
Noong 2nd year high school ako, unuwi ako sa tirahan ng ate ko galing eskwelahan, sinabi sakin ng ate ko na aalis daw kami at may pupuntahan. Sinabi din niya na dalhin ko daw mga gamit ko. Hindi pa nga ako nakapag palit sa school uniform ko nun dahil nagmamadali si ate na umalis. May pinuntahan kaming bahay sa emprial na hindi naman namin kamag anak at laking gulat ko nung sinabi ni ate sa ale na “ito nap o yung kapatid na sinasabi ko sa inyo, kayo na po bahala sa kanya, turuan niyo na lang kung ano ang gagawin”.
Ipinasok na pala ako ng ate ko para maging katulong sa kakilala niya. Mejo natakot ako kasi hindi naman ako marunong magluto at mag plantsa ng mga oras na yun pero mabait ang mga amo ko pati na din ang mga anak nila. Tinrato nila ako na parang kadugo nila.Nung umpisa, “ate”at “kuya” pa ang tawag ko sa kanila hangang sa pakilala nila sa akin sa mga bisita nila ay pamangkin at “tita” “tito” na ang naging tawag ko sa kanila.
Bata pa lamang ako, pangarap ko na yumaman. Gusto ko magkaroon ng sariling bahay dahil sa karanasan ko na walang matirhan at palipat lipat lang. Alam ko na importante ang pag aaral para maiahon ko ang sarili ko sa hirap kaya kinausap ko si tita (ang amo ko) na kung pwede magpatuloy ako ng pag-aaral. Pumayag naman sila basta lang bago ako pumasok sa eskwela tapos ko na ang gawaing bahay, kaya nung nag enroll ako sa public school, panghapon ang kinuha kong schedule.
Naging maayos naman ako sa ischool at suportado naman ako ng mga amo ko kaya naging maayos ang aking pagaaral. Parati ko sinasabi kina Tita at sa mga anak nya na gusto ko yumaman.Dahil sa pangarap ko nun, tinangihan ko lahat ng mga manliligaw ko nun. Suplada daw ako pero ang sa akin, hanga’t wala pa akong sariling bahay at kotche wala akong panahon sa mga ganyan.
Sa school, nagkakacrush ako pero hangang dun lang, hindi uso sakin ang mag boyfriend. Dahil sa school din, nahilig ako sa pag sayaw at dahil sa mga kaibigan ko, nadevelop pa ang talent ko sa dancing. Sumali ako sa dance group at talaga naming kinarir ko ang pagsasayaw hangang sa nagkaroon kami ng manager at isinali Sali kami sa mga dance contest sa kung saan saang piyesta! Nakakarating kami ng malalayong lugar para lang sumali sa dance contest nakakatuwa pag naalala ko yung mga panahon na yun.
Shempre tuwang tuwa kami pag panalo kami sa contest, 50% sa manager namin, tapos ung 50% naman paghahati-hatian pa naming lima sa grupo. Naalala ko ilang beses din ako napapagalitan ni Tita dahil late nako nakakauwi sa amin. Ngayon nga pag naiisip ko yung mga oras nay un, natutuwa ako kasi sobra sa pagmamalasakit nila sa akin, tinarato talaga nila ako na para na ding ka-dugo nila. Ayan na baka maiyak na ko hahaha!
Masaya naman nung mga panahon nay un hangang sa nakatapos ako ng highschool at napag isip isip ko na hindi ako yayaman sa pag sali sali lang mga dance competition sa fiesta. Nag alok ang manager namin kung gusto naming mag punta sa Japan. Shempre nung mga panahon na yun, madumi pa ang tingin sa mga nag-jajapan pero para sa akin na mataas ang pangarap sa buhay at sabik maka-ahon sa hirap, pinilit ko mga ka-grupo ko na mag punta sa kung san sang mga promotion at mag audition sa mga hapon na club owners.
Hindi naging madali yun at may mga panahon na nawawalan kami ng loob pero pikit mata pa din at sugod lang ng sugod sa mga audition at sa mga dance rehersals. Sa isip ko, para to sa ikagaganda ng buhay ko. Ang pangarap kong yumaman matutupad pag punta ko ng Japan.
Sa awa naman ng Dyos may mga nagkagusto sa grupo naming pero ang tagal malakad ng mga papeles at visa naming papunta Japan kaya habang nag-aantay, nagtrabaho muna ako sa isang sikat na department store.
Isang araw, pumunta manager naming sa pinagtratrabahuan ko at sinabing lumabas na daw ung visa naming papuntang Japan. Syempre nung una hindi ako naniwala, gusto ko Makita ung visa mismo bago ako maniwala sa kanya. Pagkatapos ng trbaho ko, sumama ako sa kanya sa office niya para at pinakita nga ang visa ko. Abot langit ang pagka tuwa ko nun! Masaya ako kasi magsisimula na ang pag ginhawa ng buhay ko. Agad kong sinabi kina Tita ang magandang balita,masayang masaya sila para sa akin kasi alam nila na makakabuti ito for me.
Nung nakuha na naming ang C.A. na tinatawag o ung unang buan g sweldo na advance tuwang tuwa ako! Namili ako ng mga gagamitin namin pag punta namin sa Japan. Nung araw na pag alis naming papuntang Japan, pagkatapos ng iyakan, excitement naman ang naramdaman ko pag pasok ng NAIA. First time ko ito lalabas ng bansa-first time ko to sasakay ng eroplano! Nararamdaman ko na magbabago na ang takbo ng buhay ko. Sa Japan, nag simula ang bagong yugto ng buhay ko na parang telenobela sa TV.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ang drama hehehe
-josep
Post a Comment